Hands up for Health! Together, we champion clean hands and safer care
Noong Mayo 6, ginanap ang World Hand Hygiene Day sa 2nd Floor Lobby ng CMC.
Layunin nitong palakasin ang kaalaman ng bawat isa—mula sa ating medical staff hanggang sa ating mga pasyente—na ang simpleng paghuhugas ng kamay ay ang pangunahing depensa laban sa sakit.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating seminar at interactive activities! Patuloy tayong magkakaisa sa pagpapanatili ng kaligtasan sa loob at labas ng ospital.
Sa CMC, ang inyong kaligtasan ay bahagi ng aming Kalingang may Husay at Puso. 








