Sama-sama nating labanan ang dengue!
Noong Hunyo 24, matagumpay na isinagawa ng Calamba Medical Center ang Dengue Awareness Lay Forum sa pangunguna ni Dr. Mark Joseph Castellano, Pediatric–Infectious Disease Specialist.
Sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan at masayang interaktibong mga aktibidad, mas napalalim ang kaalaman ng mga kalahok sa tamang pag-iwas sa dengue gamit ang 4Ts:
Taob
Taktak
Tuyo
Takip
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng ating layuning mapanatiling ligtas ang ating mga pamilya at komunidad. Tandaan, ang pag-iwas sa dengue ay nagsisimula sa bawat isa sa atin.
Sa Calamba Medical Center, ang inyong kaligtasan ay bahagi ng aming Kalingang may Husay at Puso.
#CMCCares #DengueAwareness #ZeroDengueDeaths #4TsKontraDengue #KalingangMayHusayAtPuso








