On May 22, 2026, nakiisa ang Calamba Medical Center sa pagdiriwang ng National Cervical Cancer Awareness Month.
Maraming salamat kay Dr. Julienne Katrina Beltran sa pagbabahagi ng mahalagang impormasyon tungkol sa pag-iwas at maagang pagtukoy sa cervical cancer. Bilang bahagi ng ating programa, nagsagawa rin ng libreng cervical cancer screening para sa ating mga pasyente at corporate partners.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo. Sama-sama nating alamin, iwasan at labanan ang cervical cancer. Patuloy kaming maghahatid ng #KalingangMayHusayAtPuso!








